Mahinahon mong tahakin ang kaingayan at mga agam-agam ng buhay, at pakatandaan ang kapayapaang mayroong taglay ang katahimikan. Hanggat maari ay makipagmabutihan sa lahat ng nilalang.
Turan mo ang iyong paniniwala ng buong kalinawan, katiwasayan at walang pag-iimbot; at makinig sa iba sapagkat kahit na ang isang hunghang at kulang sa aral, sila ma'y may kwentong may kwenta. Pakaiwasan ang mga hambog at mapupusok, sila'y panggulo lamang ng kaluluwa.
Huwag piliting ikumpara ang sarili sa iba sa dahilang ikaw ay maaaring maging mayabang o kaya nama'y mapuno ng kalungkutan; parati kang makakakita ng mga taong mas magaling o mas mababa sa iyo. Ikagalak mo ang iyong mga narating o nagawa katulad ng iyong pagkakilig tuwing ika'y may bagong hangarin. Panatiliin ang interes sa iyong napiling karera, kahit gaano ito kahamak; sa pagitan ng pabago-bagong panahon, ito'y mananatiling sa iyo.
2007-09-04
20:35:33
·
9 answers
·
asked by
shirley g
6
in
Philippines