English Deutsch Français Italiano Español Português 繁體中文 Bahasa Indonesia Tiếng Việt ภาษาไทย
All categories

Mahinahon mong tahakin ang kaingayan at mga agam-agam ng buhay, at pakatandaan ang kapayapaang mayroong taglay ang katahimikan. Hanggat maari ay makipagmabutihan sa lahat ng nilalang.
Turan mo ang iyong paniniwala ng buong kalinawan, katiwasayan at walang pag-iimbot; at makinig sa iba sapagkat kahit na ang isang hunghang at kulang sa aral, sila ma'y may kwentong may kwenta. Pakaiwasan ang mga hambog at mapupusok, sila'y panggulo lamang ng kaluluwa.

Huwag piliting ikumpara ang sarili sa iba sa dahilang ikaw ay maaaring maging mayabang o kaya nama'y mapuno ng kalungkutan; parati kang makakakita ng mga taong mas magaling o mas mababa sa iyo. Ikagalak mo ang iyong mga narating o nagawa katulad ng iyong pagkakilig tuwing ika'y may bagong hangarin. Panatiliin ang interes sa iyong napiling karera, kahit gaano ito kahamak; sa pagitan ng pabago-bagong panahon, ito'y mananatiling sa iyo.

2007-09-04 20:35:33 · 9 answers · asked by shirley g 6 in Travel Asia Pacific Philippines

Parating mag-ingat sa iyong mga gawain pagkat ang mundo'y punung-puno ng kadayaan. Ngunit huwag mong pabayaang bulagin ka nito; marami pa ring mga taong may mataas na pangarap at hitik ang kapaligiran ng kabayanihan. Mahalin mo ang iyong sarili. Huwag mong utuin ang sarili mong ika'y kaibig-ibig. Lalo namang huwag mong pagdudahan ang pagmamahal; sa harap ng tagtuyot at pagkukunwari, ang pagmamahal ay pabalik-balik tulad ng damo. Makinig sa mga nakakatanda habang isinusuko ang lahat ng bagay na mura.

Alagaan ang tibay ng dibdib ng sa gayo'y masalag ang lahat ng biglaang kamalasan. Ngunit huwag mong pakadibdibin ang kadiliman. Maraming pangamba ang isinilang sa pagod at kalungkutan. Maging maamo ka sa iyong sarili na dulot ng isang mabuting pagdidisiplina. Ikaw ay isang sanggol ng sansinukob, sampu ng kagubatan at mga bituin; ika'y may karapatang manirahan dito. At kahit ito ma'y maging malabo sa iyo, walang kaduda-dudang ang sansinukob ay dapat lang na mapasaiyo.

2007-09-04 20:36:37 · update #1

Kaya naman maniwala ka sa Diyos, ano man ang kanyang anyo sa iyo. At kahit ano pa man ang iyong pinaghirapan sa gitna ng kaguluhan ng buhay, panatilihin ang katiwasayan ng iyong kaluluwa. Sa lahat ng pagkukunwari, kahungkagan at nasirang pangarap, masarap pa ring mabuhay. Maging maligaya. Sikapin mong maging masaya.



***From: Mga Turo Ni Tito Rolly

2007-09-04 20:39:29 · update #2

9 answers

Sounds like "Desiderata"

http://marilee.us/desiderata.html

Wow!! it's even better in Tagalog....thanks for sharing, shirley.

2007-09-04 20:42:36 · answer #1 · answered by Anonymous · 6 0

Max Ehrmann


Desiderata

Go placidly amid the noise and haste,
and remember what peace there may be in silence.
As far as possible without surrender
be on good terms with all persons.
Speak your truth quietly and clearly;
and listen to others,
even the dull and the ignorant;
they too have their story.

Avoid loud and aggressive persons,
they are vexations to the spirit.
If you compare yourself with others,
you may become vain and bitter;
for always there will be greater and lesser persons than yourself.
Enjoy your achievements as well as your plans.

Keep interested in your own career, however humble;
it is a real possession in the changing fortunes of time.
Exercise caution in your business affairs;
for the world is full of trickery.
But let this not blind you to what virtue there is;
many persons strive for high ideals;
and everywhere life is full of heroism.

Be yourself.
Especially, do not feign affection.
Neither be cynical about love;
for in the face of all aridity and disenchantment
it is as perennial as the grass.

Take kindly the counsel of the years,
gracefully surrendering the things of youth.
Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune.
But do not distress yourself with dark imaginings.
Many fears are born of fatigue and loneliness.
Beyond a wholesome discipline,
be gentle with yourself.

You are a child of the universe,
no less than the trees and the stars;
you have a right to be here.
And whether or not it is clear to you,
no doubt the universe is unfolding as it should.

Therefore be at peace with God,
whatever you conceive Him to be,
and whatever your labors and aspirations,
in the noisy confusion of life keep peace with your soul.

With all its sham, drudgery, and broken dreams,
it is still a beautiful world.
Be cheerful.
Strive to be happy.

Max Ehrmann, Desiderata, Copyright 1952.

2007-09-06 00:45:49 · answer #2 · answered by Rode|ette ۩ 6 · 1 0

This is a very beautiful post, shirley...thank you very much. It's true, 'te Inday knows "Desiderata" by heart...I bet she's gonna start memorizing the Tagalog version too.

2007-09-05 14:32:44 · answer #3 · answered by tin2 5 · 2 0

Yes, Shirley. Thanks for sharing.

I'm calm. I'm going placidly.... somewhere. I took Papa Chuck's advise and attended unfinished business, and finished all beer in Jongbong's ref....

Aquadulce already gave you the answer, and dhars sho' ov seven minutes flat. An' umm startin to wonduh wad you women need us men fo....

2007-09-05 04:42:48 · answer #4 · answered by Aref H4 7 · 2 0

Yeababy! This version reads better than the song sounds.

I wonder what if Les Crane did this Filipino version... maybe Rico Puno could do one, ala Streisand's "The Way We Were". Thanks for sharing this, shirley.

2007-09-05 11:54:21 · answer #5 · answered by sweetwater 7 · 2 0

http://www.freetranslation.com

2007-09-05 03:59:06 · answer #6 · answered by Anonymous · 1 0

hard to translate this one, but it is wisdom to be pondered in the ultimatum. thanks for sharing this. i 'll keep this in my file.

2007-09-05 11:16:14 · answer #7 · answered by 36 6 · 1 0

that's desiderata my dear.

2007-09-05 04:39:56 · answer #8 · answered by ears have heard 3 · 1 0

try this translation site : www.freetranslation.com

2007-09-05 03:45:24 · answer #9 · answered by BARBIE 5 · 1 0

fedest.com, questions and answers