Dalawang taon na ang nakalipas,
Sa sandaling ito, hindi ko pa ba itinutukoy ang aking landas?
Ang lihim na aking itinago sa kadilimang wagas,
At labag ipahiwatig ang aking batas?
Dalawang taon na ako'y simulang pumasok,
Sa silid-aralan umaapaw at umuusok,
Isang reyna ang nananatili sa silyang marupok,
Sa gandang ako'y napatibok.
Ang mata'y nakakasilaw tignan,
Ang kamay'y napakakinis hawakan,
Ang ugaling hindi ko mabitawan,
Sa simula siyang tumayo sa upuan.
Sayang! Ngunit ako'y inunahan,
Ng aking matalik na kaibigan,
Nahuli na niya ang puso ng aking gagawing katipan,
Magagawa ko pa ba ang umangal at mangatwiran?
Mga salitang, hindi mapawi,
Mga kaisipang tuluyang nasasawi,
Hanggang kailan pa ba ito mangyayari?
Sa simula nang umahon ang bahaghari?
Giliw, ilang beses ko na ba naisulat,
Saaking munting papel ang aking pagmamahal na binubuhat,
Na sa iyo ko lang iniaalay at nararapat,
Mas malawak pa sa mga karagatan at dagat.
Ikaw nga o sinta, ang aking pinakamamahal,
Tila'y wala na ngang iba, ikaw lang ang tanging itinatanghal,
Hanggang sa araw na putulan nila ako ng hininga at maduwal,
Hanggang sa ako'y mahagilap ng kamatayang kawal.
Nasisiyahan ako o giliw na ako'y iyong dakipin,
Sa iyong pagmamahal, ako'y napansin,
Natatakot ako o sinta, na ikaw ay dakipin,
Na ikaw'y kunin at abusuhin, at itapon na lamang sa buhangin.
Dalawang tao na ang nakalipas, at ako'y handa na,
Handang ilabas ang lihim na ramdam...HANDA NA!
Ipapakita ko sa mundo ang iginuhit na tadhana,
Ipapakita ko sa lahat ng karaniwang, na minamahal kita.
Minamahal kita, iniibig kita,
Hanggang sa huling sandali na ako'y malagutan ng hininga,
Kahit saan ka man maptungo, kahit saan ka mapupunta,
Ang puso ko'y ika'y susundan, hanggang sa wakas ni Bathala.
It was created by beefcake.. it comes from this site: http://www.highfiber.org/content.php?s=threads&ss=4&a=view&id=8355
2006-12-30 05:41:24
·
answer #1
·
answered by Lzyxoxo 2
·
1⤊
0⤋