English Deutsch Français Italiano Español Português 繁體中文 Bahasa Indonesia Tiếng Việt ภาษาไทย
All categories

does anybody here find the speech "the filipino is worth dying for " by philippine former senator benigno 'ninoy' aquino. the one who got shot while leaving a plane and got the airline named after him

2006-08-10 02:42:53 · 6 answers · asked by zowyx 3 in Education & Reference Other - Education

wait make that 10 points

2006-08-10 02:50:40 · update #1

6 answers

PGMA's Speech during the 16th Anniversary Celebration of the EDSA People Power Revolution

People Power Monument, Edsa, Quezon City (25 February 2002)




--------------------------------------------------------------------------------


MARAMING SALAMAT SECRETARY BERT ROMULO.

ATING KAGAGALANG NA HEROINE NG EDSA AT NAGING HALIMBAWA NG WALUMPUNG PANG
MGA EDSA SA BUONG MUNDO, PRESIDENT CORY AQUINO; ANG PINUNTAHAN
NATIN DITO SA EDSA NOON NUNG 1986 AT NAGTANGGOL NG DEMOKRASYA NG ILANG
BESES PAGKATAPOS NOON, PRESIDENT FIDEL V. RAMOS; SI SECRETARY
ROMULO; SI CO-CHAIRMAN NG PEOPLE POWER COMMISSION, RAMON DEL ROSARIO; YUNG
IBA'T-IBANG MGA COMMISSIONER NG EDSA PEOPLE POWER; YUNG IBA'T-IBANG MGA
GOVERNMENT OFFICIALS NA NARIRITO; EXCELLENCIES OF THE DIPLOMATIC CORPS; MGA
KASAMA NATIN DITO ITONG ARAW NA ITO -- AT AKO'Y NASISIYAHAN NA SA PAGBASA
NG INYONG MGA KARATULA MUKHANG ANG MGA PUMUNTA RITO AY NAKARARAMI AY YUNG
MGA KINATAWAN NG 150,000 FAMILIES NA NAKABIYAYA NA SA ATING PAGBIBIGAY NG
KARAPATAN NA BILHIN ANG LUPANG TINITIRIKAN DITO SA METRO MANILA AT MGA
KARATIG NA LUGAR, KANINANG UMAGA NGA YUNG HULING-HULING
NAKATANGGAP NG LAND TITLES ITONG ARAW NA ITO YUNG NAPICO NG PASIG;
MGA KINATAWAN NG CIVIL SOCIETY; MGA GILIW KONG KABABAYAN:

SA ARAW NA ITO, LABING-ANIM NA TAON NANG NAKARARAAN, BINAWI NG SAMBAYANANG
PILIPINO ANG ATING KALAYAAN AT DEMOKRASYA. MAARING SA KASAYSAYAN NG ISANG
BANSA, ANG LABING-ANIM NA TAON AY ISANG KISAPMATA LAMANG, NGUNI'T SA
PAGITAN NG EDSA 1 AT EDSA DOS AY ISANG HENERASYON. ANG NAKARARAMING DUMALO
SA EDSA DOS AY MGA KABATAAN NA SANGGOL PA NOONG GINANAP ANG EDSA 1.

NOONG ARAW PAGKATAPOS AKO AY NAGING PRESIDENTE LABING-TATLONG BUWANG
NAKARAAN, NOONG FIESTA NG STO. NIÑONG NAGANAP NG JANUARY 21, 2002, SINABI
KO KINUKWENTO KO SA BUONG MUNDO NA ANG NAMULAKLAK SA EDSA 2, AT DAPAT ANG
BUNGA, AY ALANG-ALANG SA MGA KABATAAN. SA ATING KABATAAN, KAHIT NA
MASYADONG MALIIT PA SILA UPANG DUMALO SA EDSA 1, AY NAKIKITA NATIN ANG
BAGONG HENERASYON NG MGA PILIPINO NA LUMAKI NA WALANG TAKOT; NA KUMILALA SA
DEMOKRASYA BILANG KARAPAT-DAPAT NA SISTEMA PARA SA PAGPAPATAKBO NG ATING
PAMAHALAAN; AT HANDANG-HANDANG HAWAKAN NG BUONG TAOS-PUSONG KAGITINGAN ANG
SUGO NG KALAYAAN AT PAMAMALAKAD NG PAMAHALAANG HINDI PAG-AARI NG IILAN
LAMANG KUNDI PAG-AARI NG LAHAT. SA PALAGAY KO, SA AKING
PAGNINILAY ISANG DAHILAN MARAHIL KUNG BAKIT NANGUNA ANG MGA KABATAANG ITO
SA EDSA DOS AY DAHIL LUMAKI SILA SA GANITONG KULTURA, KULTURA NG
DEMOKRASYA, DAHIL IYON ANG KAPALIGIRAN NA PINAGTANGGOL AT INALAGAAN NG
PANGULO NG EDSA 1, PANGULO NG PEOPLE POWER NG BUONG MUNDO, ANG
KAGALANG-GALANG NA PANGULONG CORY AQUINO. KAYA MAGPASALAMAT TAYO SA
KANIYA.

AT KUNG ANUMAN ANG PAPEL NA GINANAP NUNG HINDI BINUKSAN ANG PANGALAWANG
SOBRE ANG PAPEL NIYA SA EDSA DOS, IYON NAMANG GINANAP NG MGA KAWAL NA
KUMALAS SA DIKTADURA AT UPANG SILA AY SAMAHAN, MILYONG MAMAMAYAN AY DUMALO
SA EDSA, ITONG MGA KAWAL NAMAN ITO NA KUMALAS SA DIKTADURA AY PINAMUNUAN NG
VICE-CHIEF OF STAFF NG ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES, SI GENERAL FIDEL V.
RAMOS. KAYA MAGPASALAMAT RIN TAYO SA KANIYA.

SA MAKULAY NA KASAYSAYAN NG ATING BANSA, MARAMING SAKRIPISYO ANG NAGAWA NG
ATING MGA NINUNO BILANG KATIBAYAN NG KANILANG PAGMAMAHAL SA BAYANG
TINUBUAN. BINUKSAN NINA RIZAL AT MARCELO H. DEL PILAR ANG MGA MATA NG
KANILANG KAPWA PILIPINO SA KATOTOHANANG MAY SARILI TAYONG BANSA AT SA
OBLIGASYON NATING LAHAT NA WALANG MAGMAMAHAL AT MAG-AALAGA SA ATING BAYAN
KUNDI TAYO NA RIN. IPINAGLABAN NINA BONIFACIO AT AGUINALDO ANG ATING
KASARINLAN; IPINAGLABAN SA PARAANG MAPAYAPA ANG HANGARIN NATING MAGING
MALAYA MULI NINA QUEZON, OSMEÑA, ROXAS, RECTO; IPINAGLABAN NG ISANG BUONG
HENERASYON ANG DANGAL NG PILIPINAS NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. AT
ANG KASARINLAN AT KALAYAAN NA NAWALA NOONG MARTIAL LAW AY IPINAGLABAN DIN
SA MGA BARIKADA, SA LANSANGAN, AT, HIGIT SA LAHAT, SA PAMAMAGITAN NG
PAGDEPENSA NG PRINSIPYO NA SAGRADO ANG BAWA'T BOTO NG BAWAT PILIPINO, SA
SNAP ELECTION NOONG 1986, KAYA BINIGYAN NATIN NGAYON NG PARANGAL SI EVELIO
JAVIER BILANG HALIMBAWA AT SIMBOLO NG GANOONG PAGTATANAW SA BOTO NG PILIPINO. PINAKITA RIN NATIN ANG
ATING DIWA SIYEMPRE SA PAGTITIPON NG MAHIRAP AT MAYAMAN DITO SA EDSA NOONG
PEBRERO NG TAONG IYON.

HATOL NG SAMBAYANANG PILIPINO NA ANG PINAKA
MAKABULUHANG PANGYAYARI SA ATING BUONG KASAYSAYAN AY ANG PEOPLE POWER NOONG
1986. THE MOST IMPORTANT EVENT IN THE PHILIPPINES IN THE 20th CENTURY,
YUNG 1986. ITO AY NAGPATUNAY NA ANG KALAYAAN AT DEMOKRASYANG
NILIKHA NG ATING MGA BAYANI AY BINIGYANG HALAGA AT IPINAGTANGGOL NG MGA
SUMUSUNOD NA HENERASYON. NOONG NAGTIPUN-TIPON AT NAGPULUNG-PULONG ANG
SAMBAYANANG PILIPINO DITO SA EDSA, SA BAGUIO, SA CEBU, AT SA IBA PANG DAKO
NG ATING KAPULUAN, IPINAKITA NATIN SA ISA'T-ISA AT SA BUONG MUNDO NA HINDI
PAPAYAG ANG PILIPINO NA MAGING ALIPIN NG SINO MAN.

JOSE RIZAL SAID A PEOPLE WHO SUBMIT TO SLAVERY DESERVE TO BE SLAVES. WE
SHOWED THE WORLD THAT THE FILIPINO IS NOT A SLAVE OR A COWARD.
WE SHOWED THE WORLD THAT THE FILIPINO NOT ONLY TREASURES FREEDOM, BUT IS
PREPARED TO MAKE THE SUPREME SACRIFICE FOR FREEDOM.

SA LUGAR NA ITO AY NAGKAISA ANG SAMBAYANAN. KAWAL, DUKHA, MAY PANGALAN O
WALANG KAALAMAN, MAY PERA O WALA, ANG NABIBILANG SA LAHAT NG URI NG
PAMUMUHAY AT SEKTOR NG LIPUNAN AY NAGTUNGO SA EDSA UPANG MAGSAMA-SAMA AT
MAKIBAKA.

HINDI DAPAT MAKAKALIMUTAN NG KASAYSAYAN O NG MGA DARATING PANG HENERASYON
NG PILIPINO ANG MGA GINAWA NOON NI HENERAL NA NAGING PANGULONG FIDEL V.
RAMOS. NANG DUMATING ANG PAGSUBOK NG KANYANG KONSIYENSIYA, MALINAW AT
MATAPANG ANG KANYANG SAGOT: HINDI SIYA PAPAYAG NA MAISASANTABI LAMANG ANG
HANGARIN NG KANYANG MGA KABABAYAN. SA KANYANG PANANAW, IPINAKITA NIYA NA
HINDI SIYA TAKOT NA MAMATAY UPANG MABALIK LAMANG ANG PURI AT DANGAL NG
KAWAL PILIPINO. PUMUNTA SIYA SA KAMPO HENERAL AGUINALDO AT DOO'Y PINAHAYAG
SA BUONG KAPULUAN NA MAMATAY MAN SIYA, HINDI NIYA MATATANGGAP NA ISIPING
WALANG MGA HENERAL AT KAWAL NA MAY TIBAY ANG LOOB NA IALAY ANG KANILANG
BUHAY PARA SA DEMOKRASYA AT KALAYAAN.

NANG NANAWAGAN ANG ATING MINAMAHAL NA CARDINAL SIN NA MAGPUNTA TAYO SA
EDSA, MILYUN-MILYON AY KUSANG-LOOB NA UMALIS SA ATING MGA TAHANAN AT INIWAN
ANG SEGURIDAD NG ATING MGA PAMILYA UPANG MANINDIGAN.

NOONG NAGKATIPUN-TIPON TAYO, PAMIPAMILYA, NAGKATIPUN-TIPON ANG SAMBAYANAN
SA EDSA, NI MINSAN AY HINDI NAALIS SA ATING ISIPAN ANG DALAWANG DAHILAN
KUNG BAKIT NAGHINTAY LAMANG ANG BAYANG PILIPINO NG PAGKAKATAONG IPAKITA NA
'DI TAYO PAPAYAG NA MAGING ALIPIN PA NG DIKTADURYA. NASA ISIPAN AT
DAMDAMIN NG MARAMI SA ATIN ANG DUGONG INIALAY NI NINOY AQUINO UPANG
PATUNAYAN SA KANYANG MGA KABABAYAN NA ANG BUHAY NG BAWA'T PILIPINO AY
NILIKHA NG DIYOS UPANG IPAGLABAN ANG KALAYAAN NG INANG BAYAN. SINABI NGA
NIYA THE FILIPINO IS WORTH DYING FOR. NASA ISIPAN AT PUSO NG
BAWA'T PILIPINO ANG PANAWAGAN NI CORY AQUINO, ANG ATING NAPAKATAPANG NA
BAYANI NA TUMAKBO BILANG PANGULO KONTRA SA KALAKASAN NG DIKTADURYA NA HUWAG
UMATRAS SABI NIYA SA ATIN, HUWAG UMATRAS SA HARAP NG MGA ARMAS, PANANAKOT,
AT PANUNUHOL NG DIKTADURYA.

AT KUNG SI FIDEL RAMOS AY NAGPAMALAS NG DANGAL NG MGA KAWAL, SI CORY AQUINO
NAMAN ANG ATING INSPIRASYON PARA SA BUONG SAMBAYANAN, KONSIYENSIYA NG BAYAN
AT SIMBOLO NG KALAYAANG MALAPIT NANG MULING MAKAMTAN NG LAHAT NUNG NANDOON
TAYO SA EDSA. AT GANOON NA NGA NAKAMIT NATING MULI ANG
KALAYAAN.

SA MANILA, ANG MGA WALANG KAPANGYARIHAN, ANG MGA WALANG ARMAS, AY NAGBANTAY
AT TINIYAK ANG KALIGTASAN NG MGA KAWAL; SA CEBU, NAGSIMULA SA PAMAMAGITAN
NG MGA PAHAYAG NI CORY AQUINO, NA ANG PANLABAN SA KADILIMAN AY
PANANAMPALATAYA. HINILING NI CORY AQUINO NA MAGDASAL ANG MGA MADRE SA CEBU;
NANAWAGAN SI CARDINAL SIN NA MAGDASAL ANG MGA MADRE SA MAYNILA. SA EDSA,
AT SA MILYUN-MILYONG MGA BAHAY SA BUONG KAPULUAN, INIALAY NG MGA PARI AT
MADRE AT MGA PAMILYANG PILIPINO ANG ATING MGA PANALANGIN SA POONG MAYKAPAL.

SABI NATIN SA KAMPANYA NUNG 1986, TAMA NA, SOBRA NA, PALITAN NA, SABI
NATIN. ITO ANG NAGING PANAWAGAN NG BAYAN NUNG MAG-SNAP
ELECTION, ITO RIN ANG NAGING PANAWAGAN NGBAYAN SA EDSA.

TAMA NA SA PAGTATAKIP SA KAGUSTUHAN NG LAHAT NA TAYO AY MAGING MALAYA.

SOBRA NA ANG PANG-AABUSO NG KARAPATANG PANTAO NG PILIPINO.

TAMA NA SA PAKIKIPAGTULUNGAN SA MGA AHENTE NG KADILIMAN.

SOBRA NA ANG BALUKTOT KAILANGAN PALITAN ANG BALUKTOT UPANG MAITUWID ANG
LAHAT.

WE ARE HERE TODAY BECAUSE WE BELIEVE THE SPIRIT OF EDSA 1 AND THE SPIRIT OF
EDSA 2 -- WHICH IS ONLY ONE SPIRIT -- CONTINUES TO LIVE. BUT THE SPIRIT OF
EDSA 1 AND 2 HAS TO BE DEEPENED AND TRANSFORMED, IF IT IS TO LIVE ON FOR
GENERATIONS TO COME.

PEOPLE POWER MUST BE TRANSFORMED INTO A FORCE FOR NATION- BUILDING.

IN 1986 AND THEN IN 2001, A MILLION PEOPLE TREKKED TO EDSA AND THE EDSAS OF
OUR OTHER CITIES. THE PEOPLE SACRIFICED, WE ALL SACRIFICED OUR ENERGIES,
OUR TIME, AND EVEN RISKED THEIR LIVES FIRST TO TOPPLE A DICTATORSHIP, AND
THEN TO TOPPLE A CORRUPT GOVERNMENT.

16 YEARS AFTER EDSA 1, ONE YEAR AFTER EDSA 2, WE STILL LOOK WITH DEEP
SADNESS AT THE PLIGHT OF OUR POOR, SOME OF WHOM, UNFORTUNATELY AND
UNDERSTANDABLY, HAVE STARTED TO BELIEVE THAT EDSA DOESN'T REALLY MATTER
MUCH FOR THEM.

THERE IS NOW A CALL TO OUR PEOPLE, TO OUR LEADERS WHO HAVE KEPT AFLAME THE
SPIRIT OF PEOPLE POWER.

THIS IS NOW THE CALL, IT IS NOT A CALL TO SUMMON OUR COURAGE TO FIGHT JUST
WITH PRAYERS AND FLOWERS, A DICTATORSHIP OR A CORRUPT REGIME.

IT IS NOT A CALL FOR MASSING AT EDSA AND COMMITTING TO STAY HERE FOR DAYS
UNTIL AN ENEMY OF THE PEOPLE FALLS.

THE PEOPLE POWER CALL OF TODAY TO OUR PEOPLE IS: BARE THE HEAVIER
RESPONSIBILITY FOR BUILDING OUR NATION NOT JUST FOR FOUR DAYS, BUT DAY IN
AND DAY OUT, FOR YEARS, EVEN FOR A GENERATION.

KAYA TAMA YUNG SABI JIM PAREDES KANINA, BAWAT ISA SA ATIN KAILANGAN MAY
KABAYANIHAN NG PANG-ARAW-ARAW. KAYA MERON TAYONG KAHON AT MERON TAYONG
MGA PAPELES NA SABI NITONG KILUSAN NI JIM NA DAPAT ILAGAY NATIN ANG ATING
PANGAKO -- AT ILANG PANGAKO NA ANG BINASA NI JOE CONCEPCION KANINANG MGA
HALIMBAWA, PANGAKO NG IBA'T-IBANG MGA NA-SUBMIT NA NG KANILANG RESOLUSYON.
DITO ANG SABI NITO ISABUHAY ANG EDSA. MATAPAT NA PAMAMAHALA TUGON SA
KAHIRAPAN.

AT ITO ANG AKING NILAGAY: BILANG PILIPINO AKO AY HIGIT NA MAKIKINIG. AKO
AY HIGIT NA MAGPAPASENSIYA NA MAKINIG SA TAONG-BAYAN. ITO ANG
HANDOG KO SA BANSANG PILIPINO. LAGDA, GLORIA MACAPAGAL-ARROYO.

IF WE COULD PUT OUR LIVES ON THE LINE IN EDSA IN 1986 AND 2001, WE CAN
CERTAINLY SACRIFICE JUST A SMALL PART OF OUR CHARACTER, OR OUR WEALTH, OR
OUR TIME IN BUILDING A NEW PHILIPPINES. IF WE CAN TAP EVEN JUST
ONE-HUNDREDTH OF THE TREMENDOUS ENERGY AND PATRIOTISM OF EDSA 1 AND EDSA 2
IN THE NEXT FEW YEARS, WE CAN BUILD A BETTER, PROSPEROUS PHILIPPINES.

THIS NEW PEOPLE POWER, THE REAL EDSA 3 -- NOT THE ONE THAT HAPPENED LAST
MAY BUT THE ONE THAT WE WILL DO TOGETHER THROUGH OUR LITTLE PLEDGES THAT
WILL BE FULFILLED EVERYDAY OF OUR LIVES THE NEXT FEW YEARS -- THIS REAL
EDSA 3 WILL NOT BE AS DRAMATIC, IT WILL NOT EVEN BE AS GLORIOUS AS EDSA 1
AND EDSA 2; AND THERE WILL BE NO DATE, FEBRUARY 25 OR JANUARY 20, WHEN THIS
REAL EDSA WILL BE CELEBRATED BECAUSE IT IS FOR EVERY DAY OF OUR LIVES.

AND ITS HEROES UNLIKE THE VERY CLEAR ICONS, CORY AND CARDINAL, FVR, THE
HEROES OF EDSA 3 WILL BE ANONYMOUS. BUT ITS STRUGGLE CANNOT BE UNDERTAKEN
IN DAYS, BUT IN YEARS, EVEN DECADES. ITS BATTLEFIELD WILL NOT BE HERE AT
EDSA BUT IN OUR COUNTRY'S SHANTY AREAS AND IN THE POOREST FARMS OF OUR
COUNTRY. AND YES, EVEN IN BASILAN WHERE THE ULTIMATE ENEMY IS NOT THE ABU
SAYYAF, BUT THE ULTIMATE ENEMY IS POVERTY.

THUS, THIS NEW PEOPLE POWER'S ENEMY WILL NOT BE A DICTATORIAL REGIME OR A
CORRUPT GOVERNMENT, THIS NEW PEOPLE POWER'S ENEMY WILL BE THE SCOURGE OF
POVERTY.

THE RICH AND THE MIDDLE-CLASS DEMONSTRATED THEIR PATRIOTISM AT THE PAST TWO
EDSAS. BUT THE NEW EDSA WILL REQUIRE MORE OF THE RICH AND THE
MIDDLE-CLASS: FOR YOU TO GIVE YOUR TIME, YOUR ENERGY, AND YOUR RESOURCES.
EVEN AS THE RICH HAVE FOUND MYRIAD FORMS OF TOPPLING TWO REGIMES, THE RICH
AND THE MIDDLE-CLASS, THEY WILL FIND WAYS AND MEANS TO HELPOUR POOR.

AND THE NEW EDSA'S ENEMY WILL NOT ONLY BE THE SCOURGE OF POVERTY, THE NEW
EDSA'S ENEMY WILL ALSO BE OURSELVES. IT WILL REQUIRE CHANGING THE CULTURE
OF CORRUPTION IN OUR COUNTRY, IN SUCH MUNDANE THINGS, AS MENTIONED EARLIER,
AS REFUSING TO PAY BRIBES FOR TRAFFIC VIOLATION OR FOR GETTING A CLEARANCE
FROM A GOVERNMENT OFFICE; AND OF COURSE GIVING UP THE CULTURE OF
BRIBE-ASKING.

IT WILL REQUIRE A REAL CONCERN FOR CAPITAL TO GIVE MORE OF THEIR PROFITS TO
THEIR WORKERS. BUT IT WILL ALSO REQUIRE OUR UNIONS TO LOOK WITH MORE
REALISM THEIR WAGE DEMANDS. IT WILL REQUIRE OUR POLITICIANS TO LOOK AT
THEIR POSITIONS NOT AS POSTS FOR RENT-SEEKING AND EGO TRIPS, BUT AS
OPPORTUNITIES TO REALLY SERVE THE PEOPLE. BUT ALSO IT WILL
REQUIRE THE CITIZENS LOOKING AT GOVERNMENT NOT AS SOMETHING WE DEMAND
BENEFITS AND DOLE-OUTS FROM, BUT A PEOPLE'S STATE WE SHOULD ALWAYS BE
ASKING, "HOW CAN WE HELP THE GOVERNMENT DO ITS JOB?"

MAGTULUNGAN TAYO PARA LABANAN ANG KAHIRAPAN, PARA PAUNLARIN ANG ATING BAYAN.

ITO ANG BAGONG PEOPLE POWER PARA SA UNANG DEKADA NG SIGLO BIENTE UNO. ITO
ANG PAKIKIBAKANG INILULUNSAD NATIN. TULUNGAN NINYO AKO SA PAKIKIBAKANG ITO.

MGA KAIBIGAN, SALAMAT SA INYONG PAGDALO ITONG ARAW NA ITO. SALAMAT SA
INYONG PAGDALO NUNG PEOPLE POWER 2. AT ALAM KO PINASASALAMATAN TAYO SA
ATING PAGDALO NUNG PEOPLE POWER 1. MAGDASAL TAYO NGAYON -- NAGDASAL TAYO
NUNG PEOPLE POWER 1, NAGDASAL TAYO NUNG PEOPLE POWER 2 -- MAGDASAL TAYO
MULI NGAYON DAHIL NGAYON HINDI DRAMA ANG HINIHINTAYNG TAONG-BAYAN KUNG
HINDI YUNG ARAW-ARAW NA MALILIIT NA SAKRIPISYO SA BAWAT ATING LAHAT.

MARAMING SALAMAT AT HAPPY EDSA ANNIVESARY SA INYONG LAHAT.

[HOME]

2006-08-10 02:51:13 · answer #1 · answered by WendyD1999 5 · 0 0

Public Library

2006-08-10 02:46:40 · answer #2 · answered by Anonymous · 0 0

motives for shape nuc vegetation. no carbon emissions. no gas grant project concerns. no fly ash. no mining required. waste products could nicely be recycled. the waste recycling technologies has been around as a results of fact the late 40,s. does no longer use a non renewable source. can no longer "soften" down. in assessment to image voltaic and wind; on no account stops working. coal is grimy, and has distinctive residual radiation. this concern is rarely mentioned indoors the media. it fairly is sparkling potential. the information are there.

2016-12-11 11:14:44 · answer #3 · answered by Anonymous · 0 0

As far as I remember, it is not a speech but rather an answer to an interview.

2006-08-10 02:50:22 · answer #4 · answered by Jestnii 2 · 0 0

You lost me at Filipino. Sorry no help

2006-08-10 02:51:07 · answer #5 · answered by Bears#1 2 · 0 0

you mean ten points?

2006-08-10 02:47:41 · answer #6 · answered by sidekick 6 · 0 0

fedest.com, questions and answers