Boy, that's tough but I'll try but it is best to retain some words to preserve original message, okay. Hope this helps.
Han Dynasty (206 B.C. - 220 AD)
Sa mga huling taon ng Qin Dynasty, ang labanan kung sino ang mamumuno ay pinaglalabanan ng dalawang magagaling na hukbo. Ito ang sikat na Labanan sa Chu-Han. Taong 206 BC, si Liu Bang, ang pinuno ng hukbo laban sa Qin, ang napagtantong nanalo at naging sakop niya ang buong lupain, at simula ng tinatawag na Western Han Dynasty (206 BC - 24).Noong 25 AD, ang lolo ng emperador ay nagrebelde pero hindi niya naipagtanggol ang nasasakupang lugar. Sa susunod na mga taon ay naitatag ang Eastern Han Dynasty sa pamumuno ni Liu Xiu. Dahil isa siya sa mga pinagpalang pinuno, naibalik niya ang tiwala at paniniwala ng mga tao.
Ang mga nag-aaral ng kasaysayan ay tinuturing ang pamumunong ito na isa sa mga mahahalagang kasaysayan dahil sa dito nakatalaga ang centrong pamamalakad sa administrasyon, pagbabago sa ekonomiya, kultura at mga kalinangan sa siyensiya tulad ng pagkakaimbento ng seismograph, at ang pagkakaisa ng etnikong mga Chino sa unang pagkakataon.
2006-10-03 07:35:46
·
answer #1
·
answered by ~Charmed Flor~ 4
·
0⤊
0⤋